16 na crew members ng British-flagged tanker kabilang ang 1 Pinoy, pinalaya na ng Iranian government
Pinalaya na ng Iranian government ang 16 na crew members ng British-flagged tanker na Stena Imperno.
Kasama sa mga napalaya ang isang Filipino crew ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Hinarang ang Stena Imperno ng revolutionary guards ng Iran noong July 19 dahil may tinamaan umano itong isang fishing boat.
Mula noon ay hindi pinaglayag ang barko at hindi rin pinaalis ang mga crew nito.
Mayroong 23 crew members ang barko at ang pito ay nauna nang pinalaya noong Sept. 4.
Pinasalamatan naman ni Philippine Ambassador to Iran Wilfredo Santos ang pamahalaan ng Iran sa pagpapalaya sa Pinoy na crew.
Ang naturang Pinoy ang 2nd officer ng Stena Imperno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.