Suspek sa pagpatay sa transgender na Pinay sa Australia kinasuhan na

Sinampahan ng kasong manslaughter ang isang lalaki kaugnay sa pagkamatay ng transgender na Pinay na si Mhelody Polan Bruno, 25 anyos sa Wagga Wagga Town sa New South Wales.

Si Bruno na dalawang buwan pa lamang nasa Australia ay natagpuan walang malay noong Sabado ng umaga at pumanaw kinabuksan sa Wagga Wagga Base Hospital.

Ayon sa NSW police, isang 31 anyos na lalaki mula Wagga Wagga ang inaresto noong Linggo ng hapon.

Kinasuhan na ito at pinahaharap sa pagdinig ng itinakda ng korte sa November 6.

Read more...