Traffic na nararanasan sa SLEX aabutin pa ng Nobyembre

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2019 - 07:03 PM

Mahaba-haba pang sakripisyo ang mararanasan ng mga motorista at commuter na dumaraan sa South Luzon Expressways (SLEX).

Ayon kay Skyway O&M Corporation (SOMCO) President Manuel Bonoan, sa Nobyembre pa bubuksan ang isang lane sa bahagi ng Alabang Viaduct na kanilang isinara.

Ang pagsasara sa nasabing linya ay inumpisahan noong Miyerkules bilang pag-arangkada ng Skyway Extension Project.

Ani Bonoan, humihingi sila ng paumanhin sa publiko dahil sa nararanasang matinding traffic.

Inaasahan naman na sa December 2020 kapag nakumpleto na ng 100 porsyento ang proyekto ay malaking ginhawa na ang mararanasan.

Paulit-ulit din ang paghingi ng paumanhin sa official Twitter Account ng SMC Tollways.

Hinihimok din ang mga motorista na gumamit ng ETC payment system para sa mas mabilis na transaksyon.

TAGS: Skyway O&M Corporation, SMC Tollways, SOMCO, South Luzon Expressways, Skyway O&M Corporation, SMC Tollways, SOMCO, South Luzon Expressways

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.