Kasong murder pinag-aaralang isampa sa mga nasa likod ng hazing kay Darwin Dormitorio
Pinag-aaralan ng Baguio City Police na magsampa ng kasong murder laban sa 6 na suspek sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio dahil sa hazing.
Ayon kay Col. Allan Ray Co, Baguio City police director, maliban sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ay pinag-aaralan din nila ang pagsasampa ng murder case.
Naniniwala si Co na maaring tumindig sa korte ang murder dahil base sa kanilang imbestigasyon ay may “evident premeditation” ang mga suspek na saktan si Dormitorio.
Pero ani Co, nasa piskal pa rin naman ang pinal na pagpapasya kung anong kaso ang isusulong sa korte.
Dagdag pa ni Co, maari ding magsampa ng kaso kaugnay sa criminal negligence laban sa dalawang medical personnel ng PMA.
Ito ay makarang ma-diagnose si Dormitorio na may urinary tract infection at pinalabas siya ng ospital noong Sept. 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.