12 Filipino crew members na nakulong sa Iran nasa maayos na kondisyon ayon sa DFA

By Angellic Jordan, Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2019 - 06:27 PM

Patuloy na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Tehran, Iran ang kondisyon ng 12 Filipino crew members na nakulong dahil sa alegasyon ng fuel smuggling.

Ang mga Pinoy ay pawang crew members ng “Al Buraq 1” na isang offshore supply ship na naharang ng mga otoridad noong Sept. 7 dahil hinihinalang nagpupuslit ito ng produktong petrolyo.

Ayon sa embahada, napayagan na silang mabisita ang mga nakakulong na Pinoy.

Maayos naman umano ang kondisyon ng mga Pinoy at tinatrato din ng mabuti habang nakabilanggo.

Mula sa Tehran, nagtungo si Philippine Ambassador to Iran Wilfredo C. Santos, kasama ang iba pang Embassy officials sa Hormozgan Province malapit na sa Persian Gulf para personal na makita ang kalagayan ng mga Pinoy.

Tiniyak ng embahada na ginagawa nito ang lahat upang mapalaya ang mga seafarer.

Nakikipag-ugnayan na din ang embahada sa Iranian Government para masiguro ang kaligtasan at maayos na trato sa mga Pinoy.

TAGS: Al Buraq 1, Department of Foreign Affairs, Philippine Ambassador to Iran, Philippine Embassy, Al Buraq 1, Department of Foreign Affairs, Philippine Ambassador to Iran, Philippine Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.