Comelec naglabas ng panuntunan kaugnay sa huling araw ng Voter’s Registration
Inaasahan na ng Commission on Election (Comelec) na dadagsa ang mga magpaparehistro sa huling araw ng voter’s registration nito.
Dahil dito naglabas ng kautusan ang Comelec na naglalatag ng panuntunan na susundin sa huling araw ng voter’s registration.
Una kapag inabutan ng alas 3:00 ng hapon, lahat ng aplikante na nasa 30-meter radius mula sa office of the election officer ay tatanggapin ang aplikasyon.
Ikalawa, dapat nasa linya ang nagpaparehistro kapag tinawag na ang pangalan.
Ikatlo, kung natawag ang pangalan dapat ay makapag-biometrics ito.
Maglalagay din ng express lanes ang Comelec para sa mga matatanda, Persons with Disabilities at mga buntis.
Sa datos ng komisyon as of Sept. 21, umaabot na sa 2,645,446 ang mga bagong nakapagpa-rehistro.
Sa Lunes, Setyembre 30 ang itinakdang huling araw para sa voter’s registration ng Comelec.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.