Sa inilabas na pahayag, tinawag ito ni Presidential spokesman Salvador Panelo na “insulting” at “offensive act.”
Aniya, ang naging aksyon ng U.S. Senate panel ay tangkang pangingialam sa proseso ng batas sa Pilipinas lalo na’t dinidinig ang kaso ni De Lima sa mga lokal na korte.
Sinabi ni Panelo na layong nitong gipitin o pwersahin ang mga independent institution na makakaapekto sa soberenya ng bansa.
Dagdag pa nito, insulto ito sa kapasidad ng mga otoridad sa Pilipinas para ipalabas na ang US Senate Panel lamang ang nakakaalam ng tama at nararapat.
Isa aniya itong “outright disrespect” sa pagsunod ng mga Filipino sa batas.
Sa Twitter, inihayag ni U.S. Senator Richard Durbin na welcome siya sa pag-apruba ng U.S. Senate panel na amyendahan ang panukala.