Inaprubahang US Senate bill na nagpapataw ng ban sa PH officials na sangkot sa De Lima detention “insulting” at “offensive act” ayon sa Malakanyang

By Angellic Jordan September 27, 2019 - 05:25 PM

Binuweltahan ng Palasyo ng Malakanyang ang pag-apruba ng U.S. senate apcommittee na amyendahan ang panukalang pagbabawal na makapasok ng Amerika ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na sangkot sa pagkakakulong kay Senadora Leila de Lima.

Sa inilabas na pahayag, tinawag ito ni Presidential spokesman Salvador Panelo na “insulting” at “offensive act.”

Aniya, ang naging aksyon ng U.S. Senate panel ay tangkang pangingialam sa proseso ng batas sa Pilipinas lalo na’t dinidinig ang kaso ni De Lima sa mga lokal na korte.

Sinabi ni Panelo na layong nitong gipitin o pwersahin ang mga independent institution na makakaapekto sa soberenya ng bansa.

Dagdag pa nito, insulto ito sa kapasidad ng mga otoridad sa Pilipinas para ipalabas na ang US Senate Panel lamang ang nakakaalam ng tama at nararapat.

Isa aniya itong “outright disrespect” sa pagsunod ng mga Filipino sa batas.

Sa Twitter, inihayag ni U.S. Senator Richard Durbin na welcome siya sa pag-apruba ng U.S. Senate panel na amyendahan ang panukala.

TAGS: PH officials, Senator Leila De Lima, US Senate Bill, PH officials, Senator Leila De Lima, US Senate Bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.