DPWH natapos na ang mga infrastructure project sa Cagayan
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng mga infrastructure project sa Iguig, Cagayan.
Kabilang dito ang bridge widening at school building projects sa nasabing probinsya.
Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, natapos na ang widening sa Gammad Bridge at pagtatayo ng bagong gusali ng Vicente D. Trinidad National High School.
Layon aniya nitong tuparin ng mandato ng kagawaran na ibigay ang pangangailangan ng lugar para masuportahan ang sektor ng kalakalan at edukasyon.
Sa tulong ng widening sa Gammad Bridge sa Cagayan Valley Road, mapapabilis na ang pagpapadala ng mga serbisyo at suplay sa mga komunidad.
Tinatayang nasa P29 milyon ang halaga ng proyekto.
Samantala, inaasahang namang mas maraming estudyante ang komportable nang makakapag-aral sa tulong ng dalawang palapag na gusali sa Vicente D. Trinidad National High School.
Ang P17 milyong proyekto ay nasa ilalim ng 2018 Basic Educational Facilities Fund (BEFF).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.