Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin ayon sa PAGASA

Asahang uulanin ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon ngayong Biyernes ng hapon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang alas 2:50 ng hapon, mararanasan ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Bulacan, Rizal, Zambales, Cavite, Batangas at Bataan.

Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ng pag-ulan ang Metro Manila partikular ang Quezon City

Kaparehong sama ng panahon din ang mararanasan sa Tagkawayan sa probinsya ng Quezon.

Pinayuhan ng weather bureau ang mga residente sa lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...