Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin ayon sa PAGASA

By Angellic Jordan September 27, 2019 - 04:11 PM

Asahang uulanin ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon ngayong Biyernes ng hapon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang alas 2:50 ng hapon, mararanasan ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Bulacan, Rizal, Zambales, Cavite, Batangas at Bataan.

Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ng pag-ulan ang Metro Manila partikular ang Quezon City

Kaparehong sama ng panahon din ang mararanasan sa Tagkawayan sa probinsya ng Quezon.

Pinayuhan ng weather bureau ang mga residente sa lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

TAGS: bataan, Batangas, Bulacan, cavite, Metro Manila, Pagasa, Rizal, thunderstorm advisory, zambales, bataan, Batangas, Bulacan, cavite, Metro Manila, Pagasa, Rizal, thunderstorm advisory, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.