LOOK: Ilang pangunahing lansangan sasailalim sa repair ngayong weekend

By Angellic Jordan September 27, 2019 - 04:07 PM

Abiso sa mga motorista…

Magsasagawa ng road repair at reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lansangan sa Metro Manila sa darating na weekend.

Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pansamantalang isasara ang ilang kalsada bandang alas onse, Biyernes ng gabi (September 27).

Narito ang mga sumusunod na apektadong kalsada:

Southbound:
– EDSA Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop (outer lane)
– EDSA pagkatapos ng Camp Crame Gate hanggang Annapolis Street (outer lane)
– EDSA Bansalangin hanggang North Avenue U-turn (ikalimang lane mula sa sidewalk)

Eastbound:
– Quirino Highway Salvia Street hanggang bago mag-Belfast Road (outer lane)
– Elliptical Road pagkatapos ng Maharlika Street (ikawalong lane mula sa outer sidewalk)

Westbound:
– Novaliches General Luis Street Samote Street hanggang SB Road

Northbound:
– A. Bonifacio Avenue J. Pineda hanggang Marvex Drive (unang lane mula sa sidewalk)
– EDSA mula sa Gate 4 hanggang Gate 3 (ikalawang lane mula sa center island)
– Katipunan Avenue o C5 pagkatapos ng C.P Garcia Street (truck lane)
– EDSA Quezon City pagkatapos ng Aurora Boulevard hanggang New York Street (ikatlong lane mula sa sidewalk)

Muli namang bubuksan ang mga nasabing kalsada dakong alas singko, Lunes ng madaling-araw (September 30).

Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta para hindi maabala.

TAGS: Department of Public Works and Highways, Metropolitan Manila Development Authority, mmda, Department of Public Works and Highways, Metropolitan Manila Development Authority, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.