Dragon boat race sa Boracay sinuspinde ng DENR
Matapos ang malagim na aksidente na ikinasawi ng pitong miyembro ng Boracay Dragon Boat Team, sinuspinde muna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasagawa ng dragon boat race sa Boracay.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, iiral ang temporary suspension sa lahat ng dragon boat race activities sa sa nasabing isla.
Sinabi ni Cimatu na siya ring chairman ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) mananatili ang suspensyon habang inaaral pang mabuti ang mga ipinatutupad na emergency protocols.
Kasama sa pag-aaralan ang practice at training na ginagawa sa aktibidad.
Sa Lunes, Sept. 30, magpupulong ang lahat ng ahensya na may kaugnayan sa emergency rescue and response.
Kabilang dito ang local government ng Malay at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Philippine National Police Maritime Group, Department of the Interior and Local Government, Department of Tourism, local dragon boat associations at iba pang water sports associations sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.