Election officer sa Bukidnon patay sa aksidente

Nasawi sa aksidente ang provincial election supervisor sa Bukidnon.

Minamaneho ni Atty. Stalin Baguio ang kaniyang sasakyan patungong Valencia City alas 10:00 ng umaga ng Biyernes (Sept. 27) nang mahulugan ng bato ang windshield ng sasakyan na tumama rin sa kaniyang mukha.

Nawalan ng malay si Baguio dahilan para dumire-diretso ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Agad namang nadala sa ospital si Baguio at kasama niyang si Lee Marvin Rapirap.

Nakaligtas si Rapirap pero nasawi sa ospital si Baguio.

May isang talampakan ang diametro ng batong nahulog sa sasakyan ayon sa Valencia police.

Read more...