DOJ nagpalabas ng immigration lookout bulletin order laban sa ‘drug queen’ ng Maynila na si Guia Gomez Castro
Nagpalabas ng immigration lookout bulletin order (ILBO) ang Department of Justice (DOJ) laban sa tinaguriang ‘drug queen’ ng Maynila na si Guia Gomez Castro.
Nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang ILBO laban kay Castro at inatasan ang Bureau of Immigration (BI) na imonitor ang kaniyang pagbiyahe pabalik at palabas ng bansa.
Si Castro ay nasa labas na ng bansa ayon sa BI.
Sa ilalim ng ILBO, mababantayan lamang ang pagbiyahe ni Castro pero hindi siya mapipigilan na lumabas ng bansa.
Maari ding makipag-ugnayan ang DOJ at BI sa Interpol para mamonitor ang mga biyahe ni Castro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.