Mga nagparehistro umabot na sa 2.6 million ayon sa Comelec

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2019 - 03:15 PM

Umabot na sa 2.6 million ang aplikasyon para sa voter registration na natanggap ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Comelec, as of Sept. 21 ay umabot na sa 2,645,446 ang naiproseso nilang aplikasyon.

Ang registration period ay nagsimula noong Aug. 1 at tatagal hanggang Sept. 30.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, mayroon na lamang dalawang araw ang publiko para magparehistro.

Ito ay bukas Sept. 28 at sa Lunes, Sept. 30 na huling araw ng registration.

Inaasahan naman ang dagsa ng mga magpaparehistro sa huling dalawang araw.

TAGS: Barangay and SK elections, comelec, registration process, voter registration, Barangay and SK elections, comelec, registration process, voter registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.