MRT isang oras tumigil ang operasyon, mga pasahero naperwisyo

By Ricky Brozas January 08, 2016 - 07:00 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

(UPDATE) Pasado alas 6:00 ng umaga nang pinababa ang mga pasahero sa MRT North Avenue Station.

Ayon sa anunsyo ng gwardya sa nasabing istasyon ng tren, walang operasyon ang MRT dahil sa problema sa signaling system.

Unang inanunsyo ng gwardya na walang operasyon ang MRT mula North Avenue station hanggang sa Shaw Blvd. station at pabalik.

Pero ilang minuto ang nakalipas muling nag-anunsyo ang gwardya at sinabing tigil na ang kabuuang operasyon ng MRT mula North Avenue station hanggang sa Taft Avenue station at pabalik.

Dahil dito, nag-unahan ang mga pasahero na makasakay sa bus.

Dalawang lalaking pasahero pa ang nagsuntukan matapos kapwa uminit ang ulo nang magkabalyahan sila sa pagsakay sa bus.

Ang iba namang pasahero pinili pa ring manatili sa pila sa baba ng MRT North Avenue at hininintay na magbalik ang operasyon. Pasado alas 7:00 ng umaga nang bumalik sa normal ang operasyon ng MRT>

Wala pang pormal na pahayag mula sa pamunuan ng MRT o mula sa Department of Transportation and Communications (DOTC) hinggil sa naganap na aberya.

TAGS: MRT stops operation friday morning due to problem on signalling system, MRT stops operation friday morning due to problem on signalling system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.