Limang kulektor ng ilegal na STL arestado sa Quezon
Limang kulektor ng ilegal na operasyon ng Small Town Lottery (STL) o “bookies” ang inaresto ng mga otoridad sa Quezon.
Dinakip ng mga otoridad ang mga suspek na sina Raymond Carlos, John Alfred Boongaling, Hirminigildo Pantoja, at Gelard Bustillo.
Nahuli sa akto ang lima habang nagbibilang ng pera sa loob ng nakaparadang pampasaherong jeep sa Barangay Lusacan sa bayan ng Tiaong dakong alas 9:40 ng gabi ng Huwebes, Sept. 26.
Ayon kay Colonel Audie Madrideo, hepe ng Quezon police nakuha sa mga suspek ang STL “lastillas” o bet collection forms, paraphernalia, at mga perang taya
Sa Tayabas City naman ay naaresto si Jordan Banaag habang nililikom ang mag perang taya sa Barangay Opias.
Ang lima ay nabigong makapagpakita ng ID na magpapatunay na sila ay mula sa Pirouette Gaming Corp., na natatanging lisensyadong STL operator sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.