Pangulong Duterte magtatalumpati sa plenary session ng Valdai Forum sa Russia
Inaasahang magbibigay ng talumpati si Pangulong Rodrigo Duterte sa plenary session ng Valdai Forum sa Russia.
Ito ay magiging bahagi ng official visit ng pangulo sa nasabing bansa.
Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for European Affairs Amelita Aquino na imbitado ang pangulo na dumalo sa Valdai Discussion Club para sa nasabing forum.
Ani Aquino, inimbitahan ang pangulo, kabilang ang iba pang lider, na magbigay ng talumpati sa forum batay sa temang, “The World Order Seen From the East.”
Dadalo rin aniya ang pangulo sa Philippines-Russia Business Forum kasama ang ilang Russian at Filipino businessmen.
Maliban dito, magiging bahagi rin ng official visit ng pangulo ang bilateral meeting kasama si Russian President Vladimir Putin para talakayin ang bilateral ties ng dalawang bansa.
Ito na ang ikaapat na pagkakataong magpupulong sina Duterte at Putin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.