Ice Seguerra sumulat sa Philippine Airlines hinggil sa mahigpit na polisiya sa mga musical instrument

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2019 - 02:44 PM

Umapela ang singer na si Ice Seguerra sa Philippine Airlines (PAL) na pag-aralan ang baggage policy hinggil sa pagdadala ng musical instruments.

Sa kaniyang mahabang post sa Facebook, sinabi nitong bawal sa PAL ang musical instruments sa carry-on baggage.

Ipinagbabawal ng PAL ang pagdadala ng musical instruments bilang carry-on baggage maliban lang sa ukuleles.

Sa kaniyang Facebook post noon, nagtanong si orchestral conductor Gerard Salonga sa airline company kung bakit bawal sa hand carry ang musical instruments at ang sinagot ng PAL ay dahil sa limitado lamang ang “overhead space” sa eroplano at para na rin sa “passenger safety.”

Ayon kay Seguerra, hindi niya maunawaan ang rason na ito ng PAL.

Sa liit aniya ng cabin ng eroplano, napakahirap namang makapanakit gamit ang gitara.

Hindi rin aniya dahilan ang limitadong espasyo dahil kasya naman sa overhead cabin.

Ayon kay Seguerra sana ay maging bukas naman ang PAL sa dayalogo at muling pag-aralan ang polisiya.

TAGS: Ice Seguerra, philippine airlines, policy on musical instruments, Ice Seguerra, philippine airlines, policy on musical instruments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.