Patay sa tumamang M6.5 na lindol sa Indonesia umakyat na sa 23

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2019 - 02:29 PM

Umakyat na sa 23 ang bilang ng nasawi sa magnitude 6.5 na tumama sa eastern Indonesia noong Huwebes, Sept. 26.

Ayon sa National Disaster Mitigation Agency, karamihan sa mga biktima ay mula sa Ambon na capital ng Maluku Province at sentro ng pagyanig.

Ang mga biktima ay natabunan ng gumuhong mga bahay at gusali.

Maliban sa mga nasawi, mayroong 100 katao pang nasugatan sa lindol.

Nakapagtala din ng 117 na mga bahay at gusali na nawasak sa lindol at 15,000 katao ang kinailangang ilikas.

TAGS: Ambon, Indonesia Quake, Maluku Province, National Disaster Mitigation Agency, Ambon, Indonesia Quake, Maluku Province, National Disaster Mitigation Agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.