Iba pang cast ng Filipino adaptation ng “Miracle in Cell No. 7” inilabas na

Inilabas na ang ilan pang cast sa Filipino adaptation ng South Korean hit movie na “Miracle in Cell no. 7.”

Sa Instagram, nag-post ang aktor na si JC Santos ng larawan kasama ang iba pang gaganap na preso sa nasabing drama movie.

Kasama ni JC sa larawan sina Mon Confiado, Soliman Cruz, Jojit Lorenzo at Joel Torre.

Katabi rin ng aktor ang direktor ng pelikula na si Nuel Naval.

Pagbibidahan ang pelikula si Aga Muhlach at Bela Padilla.

Ang pelikula ay magiging bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Read more...