LOOK: Link Diagram sa tinaguriang ‘drug queen’ ng Maynila inilabas na ng NCRPO
Naglabas ng isang Link Diagram ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na nagpapakita kung gaano kalawak ang kuneksyon ng tinaguriang “drug Queen” na si Guia Gomez Castro sa mga transaksyon nito kaugnay sa droga.
Ayon kay NCRPO chief P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang nasabing link diagram ay magbibigay ng lead sa NCRPO, National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gagawing imbestigasyon laban kay Castro.
Sa pamamagitin anya ng nasabing diagram, alam na nila kung sino sa mga pulis at iba pang law enforcement agencies ang may kuneksyon sa tinaguriang drug queen.
Ipinapakata din sa nasabing diagram na may koneksyon ang ‘drug queen’ sa mga ‘Ninja Cops’, sa mga nagpapatupad ng batas at ilang police operation.
Sinabi rin Eleazar na isa sa mga high-value target ang asawa nito.
Napag-alaman din ng NCRPO na mayroong tatlong pending na mga warrant of arrest si Castro.
Isa rito ay kaugnay sa droga noong 2002 at ang dalawa naman ay noong 2001 at 2003 na parehong tungkol sa kasong estafa.
Inamin naman no Eleazar na hindi nahuhuli at nakukulong ang tinaguriang drug queen dahil sa mga koneksyon nito.
Kasama din sa link diagram ang mga siyam na ninja cops na napatay, dalawa ang AWOL, retired, dismiss at isa ang nakakulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.