World Heart Day ginunita ng Philippine Heart Association
Sa pagdiriwang ng World Heart Day, nanawagan ang Philippine Heart Association sa publiko na mahalin ang ating mga puso.
Nagdaos ng aktibidad sa Manila City Hall para ipagdiwang ang World Heart Day, at doon ibinahagi ng mga eksperto ang mga kaalaman upang mapanatiling maayos ang kondisyon ng puso.
Sinabi ni Dr. Gilbert Vilela, secretary ng PHA, taun-taon ay umaabot sa 17.9 million ang namamatay sa buong mundo ng dahil sa cardiovascular diseases o CVD.
Ayon kay Vilela, hindi naman nagkukulang ang pamahalaan sa paalala at pagtulong sa publiko para maiwasan ang CVD.
Sa halip ang mga tao aniya ang nagkukulang sa pangangalaga sa kanilang mga kalusugan dahil sa pagpapatuloy sa bisyo gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo.
Binanggit din ng duktor ang mga restaurant na nag-aalok ng buffet o eat all you can, gayundin ang nauusong Samgyupsal.
Mahalaga ani Vilela na bigyang-pansin ang kalusugan at pangalagaan ang puso at kumain lamang “in moderation”.
Malaking dahilan din ng CVD ang stress.
Maliban sa tamang pagkain, payo ng mga eksperto ay mag-ehersisyo kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.