Serye ng show ni KZ Tandingan sa Amerika kinansela

Hindi na matutuloy ang serye ng show ni KZ Tandingan sa US.

Sa pahayag ng Cornerstone – ang nagma-manage kay KZ, hindi matutuloy ang kaniyang “Supreme World Tour” ngayong Setyembre.

Ito ay dahil sa kabiguan umano ng concert promoter na makatugon sa mga obligasyon nito, protocols at iba pang show requirements.

Ang pahayag ng Cornerstone ay ibinahagi ni KZ sa kaniyang Instagram Account.

Nakatakda sanang mag-perform si KZ sa San Jose, California ngayong Sept. 27; sa Houston, Texas sa Sept. 28 at sa Stockton, California sa Sept. 29.

Sa nasabing post ni KZ, nag-comment ang beteranong singer na si Martin Nievera.

Ayon kay Martin, Hindi dapat isipin ni KZ na may pagkakamali siya sa nangyari.

Ani Martin, sa tagal niya sa industriya ay ilang beses din itong nangyari sa kaniya at ang ginawa niya ay ang magpaliwanag at humingi ng paumanhin sa publiko.

Hinikayat nito si KZ na magmove-on at lalo pang maging matatag.

Nagpasalamat naman si KZ sa encouraging words ni Martin.

Read more...