Saudi Arabia mag-aalok na ng tourist visa sa kauna-unahang pagkakataon
Sa unang pagkakataon ay mag-aalok na tourist visa ang Saudi Arabia.
Ito ang unang pagkakataon na bubuksan ang ultra-conservative kingdom sa mga holiday maker.
Ginawa ang anunsyo matapos ilang linggo matapos ang pag-atake sa oil facility sa Saudi Arabia.
Ayon sa tourism chief ng Saudi Arabia na si Ahmed al-Khateeb, maituturing na ‘historic moment’ sa bansa ang pasyang buksan ang Saudi Arabia para sa international tourists.
Kabilang sa mga lugar na iaalok sa mga turista ay ang limang UNESCO World Heritage Sites sa Saudi.
Simula sa Sabado, Sept. 28 ay bubuksan na ng Saudi Arabia ang pagtanggap ng aplikasyon para sa online tourist visas sa mga mamamayan ng nasa 49 na mga bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.