Trainee ng BFP patay matapos sumailalim sa training

Nasawi ang isang trainee ng Bureau of Fire Protection (BFP) makaraan ang sampung araw na pagsailalim sa training sa Laguna.

Sa impormasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nawalan ng malay si FO1 Clinton Obedoza at agad itong dinala sa Calamba Doctors Hospital.

Maliban kay Obedoza, mayroon isa pang trainee din ang nag-collapse at dinala sa pagamutan.

Nakaligtas naman ang ikalawang trainee, pero si Obedoza na inilipat pa sa ICU ng Chinese General Hospital ay pumanaw din kalaunan.

Nabatid na nasa 30 trainees ang sumailalim sa basic rescue training ng BFP.

Read more...