Dalawang lalaking kasama sa drug watch list, arestado sa buy-bust operation sa Pasay City

By Noel Talacay September 27, 2019 - 09:33 AM

Timbog ang dalawang lalaking kasama sa drug watch list sa ikinasang buy-bust operation ng Pasay City Police, bandang alas-9:30, Huwebes ng gabi, Sept. 26 sa Barangay 23 Zone 2.

Target ng mga otoridad ang suspek na si Rowaldo Lebanto Santos, alyas wally, 43-anyos, residente ng nasabing barangay.

Hinuli ang kasama nitong si Manuel Rocero Tejada, alyas Manoy, 60-anyos at nakatira rin sa parehong barangay.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng apat na libong piso (4,000), perang dalawang daang piso na ginamit bilang buy-busy money.

Base sa paunang ulat ng Pasay PNP, ginawa ang nasabing operasyon sa bahay misimo ni alyas wally.

Nakapiit na ang dalawang suspek sa Pasaya City Police Station at inihahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa sa mga suspek kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Pasay City, two arrested, War on drugs, Pasay City, two arrested, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.