Albayalde handang humarap sa pagdinig ng senado tungkol sa ‘ninja cops’

Nakahanda si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na humarap sa Senado sa alegasyon hinggil sa ‘ninja cops’.

Si Albayalde ay kabilang sa iimbitahan ng Senate blue ribbon at justice committees sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay sa mga anomalya sa New Bilibid Prison kasama na ang tungkol sa “ninja cops.”

Ayon kay Albayalde, nakahanda siyang magbigay linaw sa kontrobersiya.

Tiniyak din ng PNP chief na tuloy ang internal cleansing sa pambansang pulisya hanggang sa maubos ang lahat ng mga tiwaling pulis.

Read more...