Adamson University binuksan ang paaralan para sa mga estudyante nilang naapektuhan ng sunog

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2019 - 09:03 AM

Binuksan ng Adamson University ang kanilang pasilidad para sa mga estudyante at kanilang pamilyang naapektuhan ng sunog sa Zobel at Sylvia Streets.

Natupok ang mga bahay sa likuran lamang ng unibersidad ay kabilang sa naapektuhan ang mga dorm at bahay ng mga mag-aaral.

Sa abiso ng Adamson University, sinabi nitong bukas ang paaralan para pansamantalang masilungan ng mga estudyante nila at kanilang pamilya na nasunugan.

May mga estudyante rin ng unibersidad na inialok ang kanilang mga tahanan para pansamantalang kanlungin ang mga apektadong mag-aaral.

Kasabay nito, nanawagan ang Office of Integrated Community Extension Services (ICES) ng Adamson para sa mga nais magbigay ng donasyon sa mga biktima ng sunog.

Sa mga gustong mag-donate maaring tumawag sa telephone number 400-0919.

Para sa cash donations maaring ideposito ang pera sa sumusunod na accounts:

Account name: Adamson University
Dollar Account No.: 3694-9600-0066
Peso Account No.: 3694-9600-0074
Bank Swift/Sort Code: PNBmPHmmAccount
Bank Address: Philippine National Bank, UN Ave. Branch, G/F UMC HQ, 900UN Ave., Ermita, Manila, Philippines.

TAGS: Adamson Univeristy, fire incident, manila, Radyo Inquirer, Adamson Univeristy, fire incident, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.