Pumanaw na sa edad na 86 ang dating presidente neg France na si Jacques Chirac matapos ang matagal nang pakikipaglaban sa sakit.
Dahil sa pagpanaw ni Chirac, nagdeklara na si French President Emmanuel Macron ng day of national mourning na magaganap sa Lunes, kung saan isang misa ang idaraos sa Saint-Sulpice church sa Paris.
Ayon kay Macron, nawalan ng isang ‘stateman’ si ang France at tinawag din niyang ‘great Frenchman’ si Chirac.
Bumisita na rin si Macron at kaniyang asawang si Brigitte sa tahanan ng pamilya ni Chirac sa Paris para dumalaw sa burol ng dating lider.
MOST READ
LATEST STORIES