JLo at Shakira nakatakdang mag-perform sa Superbowl halftime break sa 2020

By Jimmy Tamayo September 27, 2019 - 08:19 AM

Sa unang pagkakataon, magsasama sa iisang stage ang kapwa Latina na sina Jennifer Lopez at Shakira.

Napili ang dalawa para mag-perform sa half-time break ng US Super Bowl sa susunod na taon.

Ang National Football League’s Super Bowl championship ay itinuturing na malaking event sa US television na itinakda sa February 2, 2020.

Kapwa ibinahagi nina Lopez at Shakira sa kani-kanilang Twitter account ang nasabing balita.

Si Lopez ay nakilala sa kanyang mga kantang “If You Had My Love” at “Love Don’t Cost a Thing” at bida sa pelikulang “Hustlers” na kasalukuyang ipinalalabas sa mga sinehan sa US.

Ang Colombian singer at three-time Grammy winner na si Shakira ay sumikat sa kantang “Hips Don’t Lie.”

Karaniwang itinatampok sa half time break ang mga sikat na singer at performers.

Kabilang sa nakapagtanghal na ay sina Michael Jackson, Janet Jackson, Lady Gaga, Madonna, Beyonce at Bruno Mars.

Noong isang taon ang rock band na Maroon 5 ang itinampok sa half time show.

TAGS: Jennifer Lopez, National Football League’s Super Bowl championship, Shakira, Super Bowl championship, Jennifer Lopez, National Football League’s Super Bowl championship, Shakira, Super Bowl championship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.