LPA sa Kabisayaan isa ng Tropical Depression; Metro Manila maulap ang panahon

By Len Montaño September 27, 2019 - 05:22 AM

Isa nang ganap na Tropical Depression ang low pressure area (LPA) na minomonitor ng Pagasa.

Sa weather advisory alas 5:00 Biyernes ng umaga, huling namataan ang Tropical Depression 1,685 kilometers silangan ng Kabisayaan.

Mababa ang tsansa na maglandfall ito sa anumang landmass ng bansa pero maaaring lumapit sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon.

Posible naman itong lumakas dahil nasa Karagatang Pasipiko pa at maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Sabado ng umaga.

Samantala, maulap na panahon ang iiral sa Northern Luzon kabilang ang Metro Manila dahil sa northeasterly surface windflow.

Asahan ang isolated rainshowers bunsod ng localized thunderstorms sa Kalakhang Maynila ngayong araw ng Biyernes.

Asahan naman ang pag-uulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at lalawigan ng Aurora na may isolated thunderstorms.

 

TAGS: isolated rainshowers, LPA, Maulap, Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, PAR, thunderstorm, Tropical Depression, isolated rainshowers, LPA, Maulap, Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, PAR, thunderstorm, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.