Sinasabing hazing incident sa UP nabunyag

By Rhommel Balasbas September 27, 2019 - 04:53 AM

Sa gitna ng kontrobersiya sa pagkamatay ni Philippine Military Academy 4th Class Cadet Darwin Dormitorio, isang umano’y hazing incident ang lumutang sangkot ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP).

Viral ngayon sa social media ang screenshots ng hinihinalang fraternity-related hazing na kinasasangkutan ng UP Sigma Rho.

Nangyari umano ang insidente dalawang taon na ang nakalilipas.

Sa group chat makikita ang usapan tungkol sa panggugulpi na tinawag na ‘pegul’ at larawan ng isang lalaki na puro pasa dahil sa pambubugbog.

Mayroong ding lalaki na makikitang may hawak na mahabang paddle.

Nagtrending sa Twitter ang #endFRV o panawagang wakasan na ang mga fraternity-related violence.

Sa pahayag ng student organizations at student governments partikular ang UP Diliman University Student Council, sinabi nito na bagaman hindi pa nabeberipika ang screenshots, kinokonedna nila ang lahat ng uri ng karahasan sa loob at labas ng pamantasan.

Kailangan na anilang mahinto ang macho-feudal culture sa lipunan.

Panawagan naman ng UP Alyansa sa UP administration, dapat ay mahigpit na ipatupad ang Republic Act o Anti-Hazing Act of 2018 para mabigyan ng hustisya ang humahabang listahan ng mga biktima ng FRV sa pamantasan.

 

 

 

TAGS: #endFRV, Darwin Dormitorio, fraternity, hazing, macho-feudal culture, pegul, PMA, Trending, UP diliman, UP Sigma Rho, #endFRV, Darwin Dormitorio, fraternity, hazing, macho-feudal culture, pegul, PMA, Trending, UP diliman, UP Sigma Rho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.