PDEA: May ‘ninja laki’ at ‘ninja liit’ sa drug recycling

By Rhommel Balasbas September 27, 2019 - 04:48 AM

INQUIRER file photo / EDWIN BACASMAS

Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) araw ng Huwebes ang galawan sa recycling ng droga.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, mayroong tinatawag na ‘ninja laki’ at ‘ninja liit’ sa operasyon ng mga pulis na sangkot sa drug recycling.

Ang ninja laki ay mga pulis sa big-time operations o yung kilo-kilo at malakihan ang benta at nakukubra sa drug operations.

Ang ninja liit naman ay ang mga pumapatos sa small-time operations sangkot ang mga maliliit na personalidad kahit pa libo lang ang halaga ng droga.

“Ito manghuhuli ng isang suspek. Hindi ka muna dadalhin sa opisina. ‘Oh, dito tayo sa bangketa mag negosasyon. Dito tayo sa daan. Magkano?’ E siguro a couple of thousand pesos papatusin na ‘yun,” ani Aquino.

Mayroon din umanong ninja cops na magsasampa lang ng drug charges batay sa halaga ng pera na iaalok sa kanila ng drug suspects.

Ayon kay Aquino, kapag hindi nakipagnegosasyon ang suspek, section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa na hindi bailable.

Pero kapag nakipag-areglo, section 11 na drug use o drug possession lang isasampa kaya pwedeng mapalaya.

“‘Pag hindi ka nag-negotiate, fa-file-an ka namin ng Section 5 which is non-bailable drug sale. Pero kung gusto mo makipag-negotiate sa amin, makipag-areglo, Section 11 lang, bailable. Drug use lang o drug possession, so pwede kitang mapalaya. So, areglo o kulong,” ani Aquino.

Samantala, umabot na sa 87 ang ninja cops na nasa listahan na iniabot kay Pangulong Rodrigo Duterte kasama na ang ibinunyag ni dating CIDG Director at ngayo’y Baguio Mayor Benjamin Magalong.

 

TAGS: Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Dir. Gen. Aaron Aquino, drug recyling, ninja cops, ninja laki, ninja liit, PDEA, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Dir. Gen. Aaron Aquino, drug recyling, ninja cops, ninja laki, ninja liit, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.