15 Gilas players na sasabak sa SEA games inanunsyo ng SBP

Inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang 15 players ng Gilas Pilipinas na sasabak sa Southeast Asian Games na gagawin sa Pilipinas sa Nobyembre.

Anim sa 15-man Gilas players ay mula sa PBA crowd favorite na Barangay Ginebra.

Ito ay sina Art Dela Cruz, LA Tenorio, Stanley Pringle, Greg Slaughter, Scottie Thompson at Japeth Aguilar.

Ang iba pang miyembro ng Gilas-SEA Games line-up ay sina Chris Ross, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Troy Rosario, RR Pogoy, Jayson Castro, Matthew Wright at Vic Manuel.

Inihayag ang mga miyembro ng national basketball team kasunod ng anunsyo na si Tim Cone na ang head coach ng Gilas kapalit ni coach Yeng Guiao.

Tiniyak ni Cone na sisikapin nila ang magandang performance ng Gilas sa SEA Games matapos ang zero-win record ng koponan sa FIBA World Cup sa China.

 

Read more...