Malacañang: Lahat ng sangay ng gobyerno dapat magtulungan vs Metro Manila traffic

By Rhommel Balasbas September 27, 2019 - 04:08 AM

Hindi masosolusyonan ang problema sa trapiko sa Metro Manila kung ang ehekutibong sangay lamang ng gobyerno ang magtatrabaho para rito ayon sa Palasyo ng Malacañang.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na matagal nang hinihiling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang emergency powers para solusyonan ang traffic congestion pero hindi ito ibinibigay dahil sa pangamba sa pag-abuso at korapsyon.

“O ‘di ba sinabi ni Presidente, ‘Eh gusto kong gawan ng paraan, ayaw ninyo naman,” ani Panelo.

Ang pahayag ng kalihim ay matapos ang ulat ng Asian Development Bank (ADB) na ang Metro Manila ang most congested city sa buong Asya.

Ayon kay Panelo, kailangang magtulungan ang lahat ng sangay ng gobyerno at mahihirap anya kung ang ehekutibo lang ang tutugon sa pangangailangan ng publiko.

“Kailangan kasi all branches must cooperate with each other. Hindi pupuwedeng isang branch lang ng gobyerno ang mamamahala at tutugon sa pangangailangan ng mga kababayan natin, otherwise, talagang mahihirapan,” dagdag ng kalihim.

Umaasa si Panelo na ang proposal ng San Miguel Corporation na gumawa ng 10-lane elevated expressway sa kahabaan ng EDSA ay maisakatuparan.

Sakali anyang magawa ito sa loob ng dalawang taon ay siguradong wala nang matinding trapiko sa EDSA.

“Hopefully. Kagaya ng sinabi ko sa inyo, iyong proposal ni Mr. Ramon Ang, maganda iyon; kapag nagawa niya iyon in two years, walang trapik ang Edsa,” ayon kay Panelo.

Samantala, tatalakayin anya sa susunod na Cabinet meeting ang mga paraan na maaaring gawin upang mapaganda ang sitwasyon ng trapiko.

 

TAGS: ADB, edsa, Metro Manila, most congested city, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, traffic, traffic congestion, ADB, edsa, Metro Manila, most congested city, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, traffic, traffic congestion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.