Mayor Belmonte: ASF virus sa 2 barangay sa QC ‘contained’ na
Inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nasugpo na ang African Swine Fever virus sa dalawang barangay sa lungsod.
Ayon kay Belmonte, ito ay dahil wala ng bagong kaso ng ASF na naitala sa naturang mga barangay.
Kapag natapos na anya ang depopulation o pagpatay sa mga baboy sa apektadong mga barangay ay maaari na nilang ideklara na ASF-free na ang Quezon City.
Una rito ay nagpositibo sa virus ang 21 sa 45 na baboy mula sa barangay Payatas at Bagong Silangan.
Dahil dito ay nagsagawa ng culling o pagpatay sa pamamagitan ng lethal injection hanggang sa 1 kilometrong sakop ng ground zero kung saan naroon ang mga baboy na may ASF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.