ADB: ‘Metro Manila most congested city in developing Asia’
Ang Metro Manila ang ‘most congested city’ sa developing Asia batay sa pag-aaral na isinagawa ng Asian Development Bank (ADB).
Sinukat ang citywide congestion ng 278 lungsod sa naturang pag-aaral.
Lumalabas na ang average citywide congestion ay 1.24, na nagsasabing nasa 24% na karagdagang oras ang kailangan para sa pagbiyahe tuwing peak hours kumpara sa off-peak hours.
Ayon sa ADB, ang Metro Manila ay may relative congestion na 1.5, pinakamataas sa 24 na lungsod na may higit limang milyong populasyon,
Nangangahuluguhan itong ang pagbiyahe sa Metro Manila ay kumakain ng mas mahabang oras kumpara sa ibang lungsod sa Asya.
Nahigitan ng Metro Manila ang mga kabisera ng kapit-bahay na bansa tulad ng Kuala Lumpur, Malaysia; Yangon, Myanmar; Hanoi at Ho Chi Minh, Vietnam; at Bangkok, Thailand na pawang nasa pagitan ng 1.2 hanggang 1.4 relative congestion indices.
Ang indices ay natukoy sa pamamagitan ng nighttime lights mula sa satellite images ng National Oceanic and Atmospheric Administration, grid population data mula sa LandScan Datasets of Oak Ridge National Laboratory, at trip routes mula sa Google Maps.
Ayon sa ADB, ang population growth ay nakakaapekto sa bilis ng biyahe sa isang lungsod at kinakailangan ang ‘spatial expansion’ para makasabay sa pressure.
Iminungkahi ni ADB director for Macroeconomics, Economic Research and Regional Cooperation Adbul Abiad na para masolusyonan ang congestion sa Metro Manila, kailangang makabuo ng mas maraming public transport systems.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.