Bagong PMA commandant nagdeklara ng giyera kontra hazing

By Len Montaño September 27, 2019 - 02:44 AM

Sa layong puksain ang karahasan at pagmaltrato sa Philippine Military Academy, nagdeklara ang bagong talagang PMA corps commandant ng giyera laban sa hazing.

Hakbang ito ni PMA corps commandant Brig. Gen. Romeo Brawner kasunod ng pagkamatay sa hazing ni Darwin Dormitorio at pagka-ospital ng ilan pang kapwa-kadete nito dahil sa maltreatment.

“As the new commandant of cadets let me proclaim this — I am declaring a war on hazing. And I expect everyone under my jurisdiction, especially the Cadet Corps to toe the line,” pahayag ni Brawner kasabay ng pag-upo nito sa pwesto araw ng Huwebes.

Sinabihan ni Brawner ang mga kadete na umalis na lang sa PMA kung hindi nila lalabanan ang hazing.

Hindi anya kailangan sa PMA ang mga kadete na nagmamaltrato sa kanilang mga kapwa-kadete.

Gayunman ay aminado si Brawner na kailangan ng PMA ng mga reporma.

Bagamat kailangan ang national approach sa pagsawata ng hazing, sinabi ni Brawner na ang kanyang hakbang ay naka-focus sa mga problema na kaya niyang matugunan bilang opisyal ng PMA.

Mula sa kanyang pwesto bilang tagapagsalita ng Task Force Marawi, itinalaga si Brawner bilang bagong PMA corps commandant kapalit ng nagbitiw na si Brig. Gen. Bartolome Bacarro.

 

TAGS: Brig. Gen. Romeo Brawner, corps commandant, giyera, hazing, PMA, Brig. Gen. Romeo Brawner, corps commandant, giyera, hazing, PMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.