Castro iginiit na walang mali sa kanyang sulat kay Lacson
Nilinaw ni Capiz Second District Rep. Fredenil Castro na walang mali sa kanyang sulat kay Senator Panfilo Lacson.
Ayon kay Castro, hindi lobbying kundi humiling lang siya sa senador ng tulong pinansyal para sa pondo ng pagtatayo ng isang proyekto sa isang bayan sa kanyang lalawigan.
Giit ng kongresista, walang mali sa kanyang hiling dahil walang sangkot na pork barrel funds.
Dismayado si Castro na tila hindi anya alam ni Lacson ang kaibahan ng “letter-request” sa “lobbying.”
“What is wrong with it? It shows my resolve to help my constituents. It’s not pork barrel,” ani Castro.
Pahayag ito ng kongresista matapos ilabas ng senador ang kopya ng sulat ni Castro kaugnay ng umanoy paghingi ng tulong pinansyal para sa konstruksyon ng Dumalag municipal hall na nagkakahalaga ng P258 million.
Pero dagdag ni Castro, humiling din siya ng tulong mula sa ibang senador.
Ang palitan ng pahayag sa pagitan ng dalawang mambabatas ay sa gitna ng umanoy pagkakaroon ng pork barrel funds ng 2020 national budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.