Mahigit 60 kilo ng kontaminadong karne ng baboy at manok nasamsam sa Cagayan de Oro
Patuloy ang hakbang laban sa African Swine Fever (ASF), pinakahuli ang pagkumpiska sa mahigit 60 kilo ng kontaminado at mishandled na karne ng baboy.
Bukod sa karne ng baboy ay nasamsam din ang nabubulok ng karne ng manok.
Ang karne ng baboy at manok ay nakuha ng Cagayan de Oro Veterinary Office sa Cogon Market.
Nakumpiska ang 2.19 kilo ng spoiled poultry meat, 18.4 kilo ng kontaminadong karne ng baboy at 44.18 kilo ng mishandled imported meat.
Dahil mishandled o hindi nakalagay sa freezer ay nabubulok at mabaho na ang karne ng baboy at manok.
Ayon sa Cagayan de Oro Veterinary Office meat inspection team, hindi na dapat ibinebenta ang mishandled na karne ng baboy at manok dahil hindi na ito ligtas kainin.
Nabatid na ang mga karne ay kulay bluish-violet na, patunay na nagtataglay na ito ng bacteria.
Sinunog ang mga karne ng baboy at manok para hindi na kumalat pa sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.