Brgy. Kagawad sa Maynila at kasabwat nito arestado sa buy bust

Police Big Brother photo

Arestado ang isang barangay kagawad sa Sampaloc, Manila at lalaking kasabwat nito sa buy bust operation Huwebes ng gabi.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 4 commander Police Captain Robert Domingo, timbog sina Kagawad Diana Guiao at Benjamin Velasquez.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakabili umano ng hinihinalang shabu mula sa dalawa na nagkakahalaga ng P1,800.

Si Guiao ay tatlong term ng kagawad sa Sampaloc, Manila at huli itong nanalo sa eleksyon noong nakaraang taon.

Ang pagka-aresto sa kagawad at kasamahan nito ay bunsod ng pinaigting na kampanya kontra droga na direktiba ni MPD director Police Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

 

Read more...