Chief Security ng Camarines Provincial Capitol sugatan sa pamamaril

By Len Montaño September 26, 2019 - 11:31 PM

Sugatan ang Chief Security ng Camarines Provincial Capitol matapos itong barilin sa tapat ng kanyang bahay Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Chief Security Officer Jose Francisco Musa, 50 anyos.

Binaril si Musa habang nakatayo sa tapat ng bahay nito sa Block 23, Lot 16, Deca Homes Grandvale 1, sa San Felipe, Naga City alas 6:30 ng gabi.

Walang kuryente sa sa lugar kaya nasa labas ang biktima at doon siya binaril ng isang lalaki.

Ang suspect ay nakasuot ng itim na jacket at maong na pantalon.

Si Musa ay nilapatan ng lunas sa Mother Senton Hospital.

Dating Jail Warden sa Tinangis Penal Farm sa bayan ng Pili ang biktima.

Iniimbestigahan ang pagka-kilanlan ng gunman at ang motibo sa pamamaril.

 

TAGS: camarines sur, Camarines Sur Provincial Capitol, chief security officer, gunman, jail warden, Jose Francisco Musa, sugatan sa pamamaril, camarines sur, Camarines Sur Provincial Capitol, chief security officer, gunman, jail warden, Jose Francisco Musa, sugatan sa pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.