39 Chinese POGO workers sa Cavite naospital dahil sa umanoy food poisoning
Naospital ang 39 na Chinese nationals na mga manggagawa sa itinatayong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Kawit, Cavite dahil sa umanoy food poisoning.
Ang mga dayuhan ay mga trabahador ng First Orient International Ventures.
Ayon kay Cavite police provincial director Police Col. William Segun, dinala ang mga ito sa Binakayan Medical Center sa Cavite at San Juan de Dios Hospital sa Pasay City.
Nabatid na sumakit ang tiyan ng mga Chinese workers matapos kumain ng almusal sa kantina ng kumpanya.
Patuloy ang imbestigasyon kung ang kinain ng mga Chinese workers ang dahilan ng food poisoning.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.