22 katao, sugatan sa karambola sa Pampanga

By Angellic Jordan September 26, 2019 - 09:36 PM

Sugatan ang nasa 22 katao matapos mabangga ng trak ang jeep, pampasaherong bus at motorsiklo sa San Fernando, Pampanga Huwebes ng umaga.

Batay sa ulat ng Pampanga police, binabagtas ng Fuso truck ang kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sa bahagi ng Barangay Dolores.

Bigla umanong nakatulog ang drayber dahilan kaya nawalan ng kontrol sa trak.

Dahil dito, nabangga nito ang isang jeep, bus at motorsiklo.

Naisugod ang mga biktima sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital para mabigyan ng lunas.

Dinala na rin ang drayber ng trak sa San Fernando police para sa isasagawang imbestigasyon.

TAGS: aksidente, banggaan, Pampanga police, aksidente, banggaan, Pampanga police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.