Higit 20 katao, kabilang ang isang sanggol, patay sa lindol sa Indonesia

Hindi bababa sa 20 katao, kabilang ang isang sanggol, ang nasawi matapos tumama ang 6.5 magnitude na lindol sa Indonesia.

Batay sa datos ng US Geological Survey, namataan ang sentro ng lindol sa 37 kilometers northeast ng Ambon sa Maluku probinsya.

May lalim ang lindol na 29 kilometers.

Ayon kay Agus Wibowo, tagapagsalita ng national disaster mitigation, nasa 1,000 katao ang nasugatan sa lindol sa Maluku Islands.

Ayon sa mga otoridad, nasawi ang ilang residente matapos malaglagan ng mga derbis ng mga nasirang gusali.

Mayroon ding biktimang nasawi nang makaranas ng atake sa puso kasunod ng pagyanig.

Samantala, mahigit 2,000 katao naman aniya ang mga inilikas na residente sa nasabing remote area.

Nakaranas din ng malalakas na aftershocks ang lugar matapos ang pagyanig.

Read more...