Napolcom, aprubado ang pag-recruit ng 10,000 pulis
Aprubado ng National Police Commission (Napolcom) ang pag-recruit ng mahigit 10,000 pulis sa pwersa ng Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng ahensya na inaprubahan ang Resolution No. 2019-707 na may petsang September 13 na nagbibigay ng otorisado sa recruitment ng mga pulis.
Batay sa resolusyon, layong nitong masolusyunan ng insurgency problem at masuportahan ang personnel build-up programs.
Ayon kay Atty. Rogelio Casurao, vice chairman at executive officer ng Napolcom, kinakailangang makapag-recruit ng PNP ng kabuuang 7,895 na law enforces para sa PNP Mobile Forces sa 17 na Police Regional Office sa buong bansa.
Magkakaroon din aniya ng recruitment ng 2,105 na pulis para sa National Support Units iba pang opisina ng pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.