Tinaguriang ‘drug queen’ sa Maynila, isasalalim ng Immigration lookout bulletin ng DOJ

By Angellic Jordan September 26, 2019 - 08:46 PM

Isasailalim ng Department of Justice (DOJ) sa Immigration Lookout Bulletin (ILBO) ang tinaguriang “drug queen” sa Maynila na si Guia Gomez Castro.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, maglalabas ang ahensya ng ILBO laban kay Castro.

Ito ay kahit aniya nakalabas na ng bansa si Castro.

Paliwanag ni Guevarra, layon nitong matutukan ng kagawaran ang kinaroroonan sa ibang bansa ni Castro.

Ayon naman kay Justice Undersecretary Markk Perete, maaaring maglabas ng ILBO ang kagawaran para matutukan ang pagpasok at pag-alis nito sa kanilang Immigration counters.

Oras na mailabas ang ILBO, sinabi ni Perete na maaari nang makipagtulungan ang kagawaran sa International Police o Interpol.

Batay sa record ng Bureau of Immigration, umalis ng Pilipinas si Castro noong September 21 patungong Bangkok, Thailand.

TAGS: DOJ, drug queen, Guia Gomez Castro, manila, DOJ, drug queen, Guia Gomez Castro, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.