Total ban sa pagpasok ng pork products mula sa Luzon, ipinatupad sa Davao City
Ipinatupad ang total ban sa Davao City sa pagpasok ng mga pork product mula sa Luzon at iba pang lugar sa apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ito ay matapos aprubahan ng City Council ang resolusyon na nagrerekomenda ng ban para protektahan ang local hog industry.
Sa inilabas na kautusan, ipinag-utos ni Davao City Mayor Sara Duterte para maiwasang maapektuhan ang food safety at seguridad sa lugar.
Nakasaad din sa kautusan na magsagawa ng istriktong biosecurity at good animal husbandry practice sa mga babuyan.
Pinaiiwasan din ang mga hog raiser na magpakain ng mga tirang pagkain sa kani-kanilang alagang baboy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.